Welcome sa inyong Immunity Challenge, Astro Tribe. Bago tayo magsimula, dream17, akin na muna ang Immunity Idol...
Muli, pinaglalabanan ninyo ang Immunity Idol para maging ligtas mula sa elimination.
Sa challenge na ito, gagawin natin ang isa nang naging tradition sa Survivor: ang Auction. At dahil nasa Pilipinas tayo, siyempre may Pinoy touch.
* Nakalatag sa thread na ito ang limang kahon mula BOX #1 (pinakamaliit) hanggang BOX #5 (pinakamalaki). Ang bawat laman nito ay nakatago.
* Bawat castaway naman ay may 100 pesos.
* Ang gagawin niyo lamang ay magbibigay ng pusta para mapasainyo ang kahon.
* Ang castaway na makakapagbigay ng PINAKAMABABA AT NATATANGING PUSTA ang siyang makakakuha ng laman ng kahon.
Halimbawa: Lahat ng castaways ay pumusta ng piso at ikaw lamang ang pumusta ng dalawang piso. Sa iyo mapupunta ang kahon.
* Kinakailangang pumusta ang bawat castaway sa lahat ng kahon.
* Bawal maghiraman ng pera ang mga castaway.
* Kailangang buong pera ang gagamitin sa pusta. Bawal gumamit ng sentimos.
* Kinakailangan ang iyong pusta sa lahat ng mga kahon ay katumbas ng 100 pesos. Ibig sabihin, kinakailangang gamitin mo ang lahat ng iyong pera.
* Kapag dalawa o higit pa ang kahon na napunta sa iyo, kinakailangang ibigay ang isa sa mga kahon sa isa pang castaway.
Bilang kiliti, narito ang mga posibleng laman ng mga kahon:
* Isang basong tubig
* Hindi ka makakaboto sa Tribal Council
* Walang laman, ngunit maaari kang makipagpalit ng kahon sa isa pang castaway
* Kapangyarihang bumoto nang dalawang beses sa Tribal Council
* Immunity upang hindi makatanggap ng Itim na Perlas sa Tribal Council
* Advantage para sa susunod na Immunity Challenge
* Maging kahati sa Immunity Idol
* Clue para mahanap ang Hidden Immunity Idol
* Immunity Idol
Tandaan na lima dito ang aktwal na lamang ng mga kahon. Apat diyan ay pampagulo lamang.
Ibigay sa akin ang mga pusta sa pamamagitan ng PM. Deadline ay sa Thursday, July 2, 9PM.
Ipapakita ang resulta ng Auction bukas.
