Hello, Final 9! Nawa'y masaya ang inyong get-together party kagabi. Magmula ngayon, nasa iisang tribo na kayo: ang Astro Tribe. At dahil nasa one big happy tribe na kayo, ang mga susunod na challenges ay para lamang sa inyong sariling kapakanan.
Tama ang narinig ninyo, hindi na tribal immunity ang inyong paglalabanan kundi...
Individual Immunity!
Ang castaway na magwawagi sa mga susunod na challenge mula ngayon ay hindi maaaring iboto ng tribemates.
********************
Simulan na natin ang Round One ng ating Immunity Challenge ngayong gabi.
* Naka-post sa thread na ito ang isang questionnaire na may 9 questions.
* Ang gagawin niyo lamang ay sagutin as honest as possible ang bawat tanong.
* Bawal ang "It depends," "No comment," at iba pang paiwas na sagot.
* Ipadala ang inyong mga sagot sa akin sa pamamagitan ng PM.
Narito ang ating mga tanong:
1. Sino sa mga natitirang castaway ang dapat katakutan?
2. Kaninong elimination ang pinakapinanghihinayangan mo?
3. Sino sa mga natitirang castaway ang iyong pinakapinagkakainisan?
4. Kung bibigyan ng pagkakataon, sino sa mga eliminated castaway ang nais mong isama sa iyong alyansa?
5. Sino sa mga natitirang castaway ang iyong kaiinisan kapag umabot ng Final 5?
6. Sino sa mga natitirang castaway ang sa palagay mo ay ang unang matatanggal?
7. Sino ang mas nanaisin mong isama sa Final 2, ang iyong matagal na kaalyado na alam mong mananalo sa larong ito o ang isang hindi mo kaalyado ngunit alam mong mananalo ka?
8. Sino sa mga natitirang castaway ang iyong pinagkakatiwalaan?
9. Bukod sa iyo, sino sa mga natitirang castaway ang may potensyal na manalo sa larong ito.
Paalala: Isumite ang inyong mga sagot sa pamamagitan ng PM. Deadline ng submission ay sa Wednesday, June 24, 9PM.
Magkita-kita tayo bukas para sa Round 2 ng challenge na ito.

